Friday, July 17, 2009

Kabanata 1 at 2

Kakatapos ko lang basahin ang unang dalawang (first two) kabanata ng nobelang Ang Sandali ng Mga Mata ni Alvin B. Yapan kagabi. Nagsimula ako noong Martes, at pahintu-hinto ako sa pagbabasa dahil nakakatakot ang mga pangyayari sa mga unang pahina. Literal na kumakabog ang puso ko habang binabasa ito, lalo na nang malaman kong nakakakita pala ng mga kaluluwa ang nagsasalita o narrator sa nobela na si Esteban. Natakot ako lalo sa parte na kinausap ni Esteban ang kaluluwa ni Estela, na nagpunta sa gubat. Ang CREEPY :( (pwede ba taglish dito?)

Bagamat nakakakaba, natuwa rin naman ako sa pagbabasa.

Ipinakita sa unang kabanata ang mga tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino, partikular na sa mga folklore. Halimbawa ay yung paniniwala na kapag nakakita ka ng taong pugot ang ulo, ibig sabihin ay mamamatay siya. Noong burol din ni Estela, nabanggit din na mayroong manananggal sa bubong ng bahay nila na nais nakawin ang katawan ng dalaga. Uso rin sa bayan ng Sagrada ang mga albularyo, na naipakita naman noong “nasapian” si Boboy matapos siyang pumuntang gubat para hanapin si Estela. May mga bahagi sa unang kabanata na hindi ko pa maintindihan, tulad ng nababanggit na paulit ulit na kwentong Ibalong pati kwento ng sawang si Oryol. Siguro malalaman ko pa ang tungkol diyan sa mga susunod na kabanata.

Sa ikalawang kabanata, ikinwento naman ang buhay ni Nene na nanay ni Boboy at anak ni Selya. Magaling na babae si Nene. Matalino siya at maparaan. Ang galing niya mag-isip ng mga bagay na maaaring gawing negosyo. Inumpisahan niya sa bayan ng Sagrada ang pagbenta ng yelo, ang manukan at babuyan, sari-sari store at kung anu ano pang mga negosyo na naging tanyag sa lugar na ito. Parating ginagaya ng mga tao sa Sagrada ang mga ideya ni Nene kung kaya naman tuwing makakaisip siya ng bagong i-nenegosyo, laging sa umpisa lang ito lumalago dahil sa paglaon ng panahon, dumarami ang kanyang mga kompetisyon. Ito mismo ang dahilan kung bakit nasabi ni Esteban na may ugaling alimango o crab mentality ang mga tao dito. Nang makilala ni Nene si Mr. Edwards, sa Amerikanong ito na umikot ang mundo ng babae. Pinag-aagawan pa nga ng mag-inang Nene at Selya ito. Sa huli, si Nene ang nagwagi dahil siya ang inalok ng kasal ng lalaki. Hindi rin ito natuloy sa kalaunan dahil nawala nalang si Mr. Edwards nang mapagtanto nila ni Nene na hindi rin magiging malago ang negosyong department store sa Sagrada dahil malalaman at malalaman din ng mga tao kung saan galing ang mga produkto, at siguradong gagayahin nanaman ang negosyong ito. Hindi huminto si Nene sa paghahanap kay Mr. Edwards nang maglaho ito. Nagawa pa niyang iwanan ang kanyang anak at ina para lang subukan ang kanyang swerteng mahanap ang lalaki sa Amerika.

Tinapos ni Esteban ang ikalawang kabanata sa malungkot na pagsabing nagbago si Nene mula sa pagiging mahusay na babae ng simulain tungo sa pagiging isang manggagaya at mapanghangad na tao sa kulturang Amerika—katulad na rin ng halos lahat ng Pilipino.
-Trixie Conlu :)

2 comments:

  1. Sorry hindi ako marunong gumawa ng blog so dito ko na lang po sir susulat blog ko.

    Pagkatapos kong basahin ang kabanata 1 and 2 ng librong Ang Sandali ng Mga Mata ni Alvin B. Yapan. Marami akong naalaman na hindi ko pa nalaman dati. Medyo familiar sakiun yung kwento since taga-bikol ako at ang kwentong ito ay ukol sa rehiyong iyon. Ang paniniwala sa mga albularyo, mga kaluluwa at iba pa.

    Dito pinapakita yung mga tradisyon ng mga pilipino yung mga magaganda at masasamang tradisyon na sinusunod natin hanggang ngayon. Ang paniniwala sa folklore at mga kasabihan ng ating mga ninuno hanggang ngayon ay nandito pa rin.

    Sa sunod na kabanata naman kwinento ang buhay ni nena, isang babaeng magaling, matalino, at masipag. Galing niyang mag negosyo at maagdiskarte para sa kanyang negosyo. Yun nga lang nagbago buhay niya ng makilala niya ang dayuhan na gusto siyang pakasalan.

    Overall naman nagus2han ko yung kwento niya.

    Guys 2ruan nyo ako kung pano gumawa ng blog! tnx...

    sori sir d kc ak marunong eh. pasensya d2 n lng ako nagblog!

    ReplyDelete
  2. kay trixie:
    narrator => tagapagsalaysay

    kay matt:
    magtanong ka sa mga kagrupo mo, duh?

    tanong sa inyong dalawa: ano ang halaga ng mga pamahiin bukod sa paglalarawan ng kultura? ano ang sinasabi ng kabanata 2 sa "pagsulong" at 'paglago" ng lipunan at ekonomiya?

    ReplyDelete