Friday, July 17, 2009

kakayahan.

Sa pagbabasa ng unang dalawang kabanata ng nobelang Ang Sandali ng mga Mata ni G. Yapan, may isang natatanging katangian ng pangunahing tauhan na ako'y naakit. Ito ay ang kakayahang makipag-usap sa mga kaluluwa, aswang at kung ano mang itinuturing nating kababalaghan sa panahon ngayon. Napakahalaga ng katangiang ito sapagkat tumutulong ito sa pag-andar ng kwento. Ito ang nagpapaiba sa ibang mga normal na tao at mga taong hindi kayang makakita ng mga kakaiba. Subalit sa mga pangyayari sa dalawang kabanata, ang kaibahang ito ay maituturing na mabuti sapagkat may mga problemang nagamit ng pangunahing tauhan ang mga kakahayan niya upong makatulong.
Sa pamamagitan ng simpleng pakikipag-usap sa mga kababalaghan, nakakatulong na ang pangunahing tauhan. Sa pakikipag-usap kasi sa mga kaluluwa, nakakakuha siya ng mga impormasyon na hindi nalalaman ng karaniwang tao. Ito nga ay dulot ng pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kaluluwa. Dahil nga dito'y nalalaman niya ang katotohanan ng ilang pangyayari na sa karaniwang tao'y iba na lamang ang pinaniniwalaan. Tulad nga rito ang nangyari sa katawang kinuha ng manananggal at pinalitan ng puno ng saging. Sa kakayahan pa nga'y nakakaprotekta pa siya ng ibang tao sapagkat minsa'y nailalayo niya ang ilan sa kapahamakang galing sa mga aswang.
Imbes na matakot sa mga kaluluwa at mga aswang at gawin ang lahat upang layuan ang mga ito, naiiba ang pangunahing tauhan. Sa iba kasi'y maituturing na sumpa ang kakayahan niya pero sa kanya'y biyaya pa ito hindi man sa kaniya, biyaya naman sa iba. Kahit na posibleng mangyaring ayaw niya pa rin ang kakayahang ito sapagkat iba naman talagang makakita ng mga kaluluwa at aswang, nangyayari pa ring pahalagahan niya ito sa pamamagitan ng paggamit ito para sa kabutihan.
-dale.liwanag [k. 1 &2]

2 comments:

  1. May limitasyon ba nag kanyang kakayahan? bakit, sa likod ng lahat ng kapangyarihang mayroon siya, namatay si estela? kung napakabait niyang tao, bakit niya pinagkait ang kanyang kakayahan nang unang tangkaing gamutin ng isa pang albularyo si Boboy sa unang kabanata?

    ReplyDelete
  2. Sa nakasaad sa libro, kaya niya lang makakita at makapag-usap sa mga kaluluwa at iba pa. Dahil nga roon, hindi niya kayang tulungan ang lahat dahil kaya lang naman niyang makipag-usap sa mga kababalaghan. Subalit, dapat din nating tandaan na tao rin siya. sa huli nama'y alam niyang tutulong din siya pero bilang isang tao nakokontrol pa rin siya ng kaniyang mga emosyon.

    ReplyDelete